Monday, July 7, 2008

talk is cheap. debate. (well, it can get cheap too)

(try ko nga mag-post in tagalog, one time. okay, more like taglish. okay, more like english na may halong tagalog konteh. )

nakakaloka etong pinasukan ko. parang gusto kong mag-sisi na kinareer ko tong debate churva at talagang leveling, kasi nag-decide pa akong mag-coach... but ganun talaga, you contribute where you can. to pay for my social sins (?!) and contribute na rin to the elevation of the mediocre minds that surround me, ika nga.

haha. pasensya, elitist lang talaga ako. kaya naman self-proclaimed demi-goddess ang lola nyo sa weekly. parang 'human, but not quite'. (bwahaha! parang mali ata).

o sige, divine na kung divine, pero hindi pa rin kinaya nga pseudo-divinity ko ang mga pamatay na hataw ng mga hayop na nagbabalat-kayong debater sa mga nangyaring samut-saring debates na na-encounter ko sa loob at labas ng walang kasing bonggang school na eto. parang gusto mag-tumbling (pucha, word ba to?) sa mga kabalastugang pinagsasabi ng mga hinayupak na debaters dito. in fairness, masaya sya. yung tipong tatawa ka na lang kaysa umiyak sa frustration.

that's not to say naman na di na talaga magaling yung mga debaters dito. syempre, magaling yung babies ko. dugo at pawis din kaya ang pinuhunan ko sa mga yan no. tsaka, likas lang talaga na may innate talent ang mga babies ko. hinukay ko pa nga lang before lumabas. hahaha.

o, siya, siya, before mag-alsahan ang mga debaters ko sa mga pinagsasabi ko dito, i-shi-share ko na sa inyo ang mga naipon kong mga hayop na banat ng mga nasobrahan sa debate talent dito:

prime minister: today we are faced with the motion, 'This house celebrates the rise of gayborboods', and we define gayborhoods as happy communities.
(ah ok. so yung mga bakla, happy people? ganun? oo nga naman, 'gay' nga di ba.)

isang debater na itago natin sa pangalang 'ngit-ngit', as in, madilim:
ok. uhm... oh my god... ok. uhm... yeah... so... oh my god... wait... uhmm...
(galing. pang-championship round eto)

reply speaker: their case is like a hot air baloon, big but weightless. our case is like a bowling bowl, small but compact.
(o, laban ka sa analaogies nya? panalo ate!)

opp'n: we think that revolutions are helping the people air out their sentiments to the government.
gov't (raising a point): sir, we are talking about demonstrations here not revolutions. when you talk about revolutions, that's people going to the mountains!
opp'n: what? go to the mountains?! why should they go to the mountains? they should stay here!
(mahal ko talaga si opp speaker. isa syang dakilang 'pooh' in the making. hanep pang stand-up comedian. kaya lang masyadong literal ang pananaw sa buhay netong si pooh.)

debater na dapat paramihin ang lahi: you know what, the government doesn't have to provide jobs for the people in the squatters area, i mean, these are people from the barrio, and people from the barrio know how to make baskets!
(perfect. yan lang ang masasabi ko sa analysis nya. perfect. )

isa pang debater na dapat paramihin ang lahi: okay. why should we celebrate the invention of gay language? okay. well, boys have their own language, girls have their language... so, gays should have their own language too!
(uy... girls... isali nyo naman ako sa language nyo - mga hayop kayo, may language pala kayo. girl din naman ako a..)

o, di ba? sabi ko masaya? it so very much funny talaga, like over there. hehe
actually, chika lang tong pinaglalagay ko dito. totoo sya, pero you know, wala lang, uma-andar lang yung pagkabakla ko.

(disclaimer: kasi baka di na ako makapasok sa gate ng school neto. wala sa varsity ang nagsabi ng mga winning lines eto. at kung may nagbasa man na feeling nya e isa sya sa mga na-quote ko, feeling lang nya yon. hehehe.)

No comments: